June 21st, 2008

please pardon my engrish...

 

isa sa mga bumabagabag sa isip ko ngayon ay kung papaanong pinagplanuhan ng ating mga Chinese brothers ang world domination eh, kahit isang sem sa college or isang oras kada araw sa high school eh hindi man sila nag-aral ng english.  not convinced? bahala ka, ituloy mo lang ang pagbili ng mga produktong mula sa tsina at basahin ang packaging.  kung hindi sasakit ang ulo mo ay kakailangan mo ng good morning towel sa kakapahid ng dugo mula sa ilong mo.  not convinced pa rin?look at my samples below..

  "the day grew lihgt, then dark again in all its hours.  what happened?"

aba malay ko, ang gulo ng tanong tapos maghahanap ng matinong sagot?!

  " God expects answers for flowers he sends us, not for the snu and the earth".

isa pa ito na galing sa thermos namin. wala na nga ngang sense ung tanong, hindi ko pa ako makapag-decide kung SNOW or SUN yung tinutukoy nya...tsk,tsk!

  anlabo nito.  kala ko nung una eh pamatay lamok at ipis, pampaganda lang ung drawing na bulaklak.  namputsa, pag ini-spray mo na e ambango.  air freshener pala!  pakisagot lang po kung bakit kelangan die zhuang ang pangalan nito!!!!!!!

  eto wala talaga akong clue.  kelangan ko talagang basahin kung para saan ito.  ayun.  tooth cleener and whitener.  at talagang inihiwalay ung E sa white, ano yun, kulang sa space?! at bakit EMEN or MEN ang ngipin sa instik?! siguro pinag-iisipan pa nila kung isusulat ang ENAMEL.  yees, antaray! ENAMEL!

so, what's my point? wala naman talaga.  wala lang akong mai-post dito a blog ko .

 

 

 

 

 

 

Posted by bluedtiny at 10:03 AM | 12 yehey, may nag-c

*****************

June 7th, 2008

because you are in my heart...always

 

pagkatapos ng malungkot na previous entry (may hinahanap ka bang link?  kaya nga previous lang e, scroll mo na lang sa baba.  wag tatamad-tamad!), nahirapan akong sundan ang entry na un.  ilang linggo rin akong nag-isip kung ano ang isusulat ko.  parang junkie na nag-withdraw ng ilang buwan, at heto, hinahanap pa rin ang gusto.  kaya ang desisyon?  e di magsulat ng kung anu-ano! soanofahanghenehentaymu?

***************************************************************************************************************************

nang dahil sa roval

ang sarap ng feeling ng may isang total stranger na pinagkaabalahang basahin ang entry mo kahit "serendipity" lang ang pagkakakilala nya sayo.  at dahil bibo ka, tama ka.  ito ay nang dahil sa roval.  oo, ung killer bus na kinuwento ko nung mga nakaraang posts.  (this is the cue...click the link kung hindi kita fan).  at dahil na-curious si watashi, ginoogle ko ang sarili ko gamit ang keyword na ginamit rin ni jeck (dahil prend na rin kita, gawan din kita ng link dito).  and lo and behold! pang-5th and 6th ako sa results!  hindi ako ung taong umiintindi sa numerong nagsasabing searchable ako sa google, may mag-comment lang na 2 o 3 masaya na ako, kahit nga wala ok pa rin basta cute pa rin ako.  pero iba talaga ang tadhana.  kung may para sayo, may para rin sa akin.  try to look up for the keywprd "roval", pero importanteng  "sa mga pahina lang sa Pilipinas" ang button nyo, at tsaraan! instant celebrity akooo!!!

***************************************************************************************************************************

 jose enrico v. libunao

hindi ito pangalan ng bago kong crush.  nung una ko syang makita at makausap, may family (read: famliar) na akong naramdaman.  he sounded like dj-ish and when he started the conversation, parang pang-radyo talaga pati ung mga games.  so the intro started like this, we have to say 3 statements about ourselves and everybody has to guess what is the lie.  it has to be 2 truths and 1 lie.  here goes mine:

1st statement : i am very fond of the reality show Survivor that I had submitted a video application to Survivor Phils

2nd statement: i am from bicol but i have never been to mayon volcano

3rd statement: i already have castrated 2 pigs, as part of our studies.

your guess is as good as mine. 

***************************************************************************************************************************

cam sur wakeboarding

dahil may kakilala akong taga-camsur at nagsabing uuwi sya sabay ng pag-uwi ko rin, nag-plano kaming mag-wakeboarding dun.  dahil matino naman akng kausap at kahit di ako marunong lumangoy ay gogora ako, malay ko, baka mag-wakeboard dun si aga muhlach at kung mabait talaga ang tadhan sa akin, baka si matt damon pa.

pero dahil abuso na daw ako, hindi iyon nangyari.  walang cam sur...walang wakeboarding...walang matt damon.

nagtyaga ako sa san mateo hot/cold springs na bukod sa sinugatan ako sa paa nang dahil sa mga matutulis sa bato e, muntik na akong malunod.  sa sobrang ka-depresan e hindi ko namalayang inaagos na pala ako papunta dun sa daluyan pabalik ng bukal, kung saan 8-12 feet na ang lalim.  buti na lang at malakas akong sumigaw.

***************************************************************************************************************************

madana

birthday mo nga pala.  hayaan mong ipaabot ko ang aking pagbati sa iyong maligayang kaarawan. malay mo, may mag-search din sa google ng iyong pangalan, e di instant celebrity ka din. yahoooo! ay google nga pala.

remember, tinluvsyah!

Posted by bluedtiny at 10:34 AM | 15 yehey, may nag-c

*****************

May 20th, 2008

to let go without realizing it

sorry, pero hindi ko gustong iwan ka sa ere.  sorry, hindi ko gustong umalis at tumalikod ng hindi man lang kumakaway.  hindi ko alam kung bakit pero parang ako ang masasaktan kapag ikaw ang naiwan.  hindi ko gustong maging bastos, pero kung yan lang ang paraan para isalba ko ang natitirang saya na naiiwan sa puso ko, sige bastos na ako.

hindi ko ugali ang magpaliwanag, pero nung umalis ako, hindi ko maiwasan ang malungkot.  gusto kong sabihin na andito lang ako, kahit nasa malayo na...isang tawag lang ako kahit hindi mo na alam ang schedule ko...at kung mabubulunan man ako, masaya akong lalagok ng isang basong tubig dahil iisipin kong naisip mo rin ako.

pero sorry talaga.

hindi ko alam kung ano ang naidulot ng pag-alis ko sayo.  kung masaya ka, malungkot man para sa akin, masaya na rin ako.  at least hindi mo mararamdaman ang pinagdadaanan ko ngayon.  ang hirap ng walang makausap, ang hirap ng walang makainuman at hirap ng hindi mo alam kung sino ang makakatabi mo sa araw na ito.  ikaw kaya, problema mo pa ba ang mga ito?

sorry talaga.

hindi ko masasabing babawi ako.  pero mataas ang noo kong sasabihin na tutupad ako sa mga pangako ko.  ang sinabi ko noon, kahit binawi ko sya ngayon, pipilitin kong hindi maging drawing ang lahat. 

sorry, at  salamat.

tigilan na ang drama at umpisahan na ang saya!

 

Posted by bluedtiny at 05:13 AM | 7 yehey, may nag-c

*****************

« Newer 3 entries | »

bluedtiny
your name:

url:

your message:

bluedtiny.tabulas.com| Layout by: hatred013

 

music