Entries for January, 2008January 1st, 2008
the "looong avail time" experience!
dahil sa haba ng avail time ng katoto naming si zhay ngayong unang araw ng 2008, wala syang ginawa kundi isulat ito. natawa naman ako kaya kahit hindi nyo kilala ang mga nasa ibaba, i-post ko parin, bakit ba, e blog ko ito? New Year na, magbago na tayong lahat! Eto ang mga wish ko senyo!
Ryan "chickboy" Sevilla - sikat sa buong NSI, gwapings kasi eh, certified spammer din ng batch, isa sa mabilis kong patawanin (baka nga tumatawa na eh), sana lang baguhin mo na yun pamatay mong linyang "Eksahklih" at "Ahwkeih" (american accent na eh)
Ian "boyneksdor" Ongcoy - isa sa pinakamatagal ko nang kasama sa PS simula pa nung March 2007, simple lang pero matinik, parang showbiz icon kung dumiskarte ng patago, sa kanya ko rin natutunan ang trademark line na "rest ashoored", labyu na nga pre!
Rey "da hank" Cortez - ang pare kong malakas ang appeal, dinyo lang alam, mas marami pang taga-NSI na nagkakacrush dyan kesa ke "chikboy" at ke "boyneksdor", wag kang magbabago pre, laging maaasahan, ika nga, SME ng Batch 61, you rock!
Erwin "pare koy" Remigio - ang pare kong may "Bohemian accent", at may pamatay na linyang "kahrentli", at nung napuna ng tropa, iniba naman at "asovnaw" na ang ginagamit. Masarap kakwentuhan tong pare ko kasi pareho kaming gago eh, ika nga ng kasabihan, "The family that prays together, stays together"... eynnng teka mali ata.... ah lam ko na, "Birds of the same feather ... is the best policy"
Ramelijan "DJ AHT" Pascual - hey DJ Ram! what's your favorite radio station? heheheh... jok lang, sa totoo lang, kool to si pareng ram ko, hindi nagmamadali sa buhay (sa AHT pa lang kitang kita na ebidensya), pre wag mo na kasi hingan ng requested song ang cx!
Christine "tinlabsyah" Galias - OIC ng Batch 61, kasabay ko magyosi minsan, hayuuup ang AHT sa baba, dinadarag mo yata ang cx kaya binababa agad ang telepown e. Madaling kasundo kasi walang kyemerks sa buhay, ganyan lang lagi mareh!
Janet "maria clara" Catipol - ang binibini ng Batch, di ko nga marinig pag nagsasalita eh, yaan mo pag malaki ang sahod ko sa next payday, bilhan kita ng built-in amplifier, suot mo lagi ha!
Dana "manang" De Guzman - ang batang di ko pa nakitang nagalit, maghanap ka na nang boypren hoy! 4 is to 1 na ang ratio ng babaet lalake ngayon, baka maubusan ka, sige ka ikaw rin... baka magcross-stitch ka na lang pagtanda moh!
Ana "ana gurl" Ifurung - ano bang bago nating palaro dyan, sana sa susunod wala na tissue lips to lips na agad (tonsil to tonsil pwede rin), tsaka patingin naman ng bagong fon mo... balita ko supermega hi-tech daw eh!
Rio "rich kid" Ecaldre - ang pinakamayaman sa Batch 61, araw-araw iba ang shoes na suot, ano ba size ng paa mo? pahiram naman.
Kris "mareng kris" Abrera - kilalang kilala ako niyan, pag pumunta ako sa station nyan... maglalabas na ng pagkain...dun kami nagkakasundo eh...fudtrip!
Jasper "mister president" Aquino - ang ulirang anak, halos magpakamatay sa aral at trabaho tol, sana lang pag aabsent ka at magkocall-in ka, wag "PNEUMONIA" ang reason mo, mahihirapan ang RTA mag-ispell...hinay-hinay lang sa buhay...baka ma-pinish ka agad! 
Currently listening to: auld lang syn...charing!!!!
Currently reading: presumed innnocent by scott turow
Currently watching: sana maumpisahan ko na ung ugly betty..
Currently feeling: excited
Posted by bluedtiny at 02:33 AM |
*****************
January 4th, 2008
the "peer pressure" experience!
dahil sa peer pressure at umm... inggit na rin siguro, i will add something to my blog. dapat daw may entry ako for the year...so eto na. although walang idea sa isip ko...bahala na si batman. related man o hindi, at least may blog ako! everybody else's blog ay new year's resolution nila, pero dahil gusto kong maging unique, i will stay away from it. what FPJ should have done last 2004 elections, hehehe! 1. new year's eve. parang akong 5 y/o nun, 8pm tulog ako at pagsapit ng 12mn, gcing ako to witness the fireworks display. naman... 2. bra talk. nung rd ko, bumili ako ng bra, yes po, bra. ang binili ko ung tshirt bra na seamless (dept of reduncy dept na ba?), ung tipong may sariling porma ung mga cups..ung..what the heck! you know what i mean..anyway, so binayaran si bra, at dahil sa hindi malamang kadahilan, lalake po ung bagger. at si lalake, bigla ba namang tinupi ung cup! what the ! kuya...hindi po tinutupi ang cup! mental note: mag-suggest sa sm malls na wag maglalagay ng lalakeng bagger sa women's intimate apparel, sa pantulog siguro, pwede. 3. medyo nagkatampuhan kami ng bff ko. kasi naman, gusto nya akong patulugin sa bahay nila sa tondo nung dec.31, e ayaw ko. reasons? eto: a. meron silang malaking labrador na kahit naka-ilang punta na ko e hindi pa rin ako kilala. in effect, lagi nya akong tinatahulan ng bonggang-bongga. e takot pa naman ako sa aso! b. etong friend ko, tamad pumasok sa work, so kapag na-demonyo akong wag pumasok, malamang may memo ako. e pumirma pa naman ako sa waiver chur-chur! c. malayo ang tondo para sa akin, tsaka lagi kayang nasa tv ang tondo kapag new year. magulo dun, baka mabawasan pa ako ng daliri, buti sana kung taba ung mawawala sa akin, ok sana. pero daliri..no way! hindi ko type mag-spend ng new year sa jose reyes memorial hospital! 4. nakita ko na rin sa wakas si imelda marcos. disappointing nga lang kasi akala ko sa sobrang pagmamahal nya sa mga sapatos nya, kala ko dala nya ung buong collection. instead, mga 6 na naglalalakihang bodyguard ( na pwede rin mag-sideline na bouncer)ang karay-karay nya. 5. teka, mahaba na ata. new year's resolution ko nga pala e dapat maiiksi lang ang blog entry ko.....so hanggang dito na alang po. hanggang sa muli!!!!!!!! happy new year!
Currently listening to: sa nakakabinging ingay ng floor
Currently reading: the girl who loved tom hordon by stepehn king
Currently watching: bukas pa, ung final night ng PBB
Currently feeling: stressed
Posted by bluedtiny at 03:17 AM |
*****************
January 5th, 2008
hula sa 2007...nye!!!
mejo late na ng isang taon pero bigla ko lang syang naalala. bago pala mag-bagong taon ng 2007 (so, lumang taong na sya?), nagpahula kaming magkaka-boardmate. at dahil praning nga ako, ipo-post ko ang mga ito. see the details, although hindi na nga sya details dahil nakalimutan ko na ung mga pinagsasasabi ng mangkuku..este maghuhulang un, pero go pa rin. read and rock on! 1. makakapag-abroad daw ako first quarter ng 2007. which was true naman, hindi nga lang nya sinabing pupunta lang, at hindi magtatrabaho. fair enough, excited pa naman ako. 2. malungkot daw ako. weee? hmm.. nag-isip tuloy ako. sa likod ba nga aking magaganda at matatamis na ngiti ay may lungkot na bumabalot sa aking puso? at kung magkagayun man, darating ba umagang kailanman ay hindi na ito malulumbay? ngunit kelan?pano?sino?saan? crispin? basilio?! 3. malapit na raw matupad ang mga pangarap ko. bakit ba ganyan ang mga maghuhula, pa-suspense kung magsalita. makakapag-abroad ka, mag-aasawa ka, magkaka-anak ka ng tatlong biik, oink-oink. dapat mga ganito ang banat..."bukas matutupad ang mga pangarap mo, magsuot ka lang ng polka dots na violet..underwear." ung mga tipong ganun para hindi ka naiinip at nagaantay. 2008 na pero hindi ko alam kung may mga pangarap ba akong natupad e. kamtutinkopit...last year ko din nga pala nakilala si pichay...naman. (kung hindi mo na-gets, bahala ka na!) 4. save the best for last. ito sa lahat ang pinaka-gusto at pinaka-hate ko sa mga hula nya. babalik daw ang crush ko! AAAAAA!! ay sus, sobrang pinag-isipan ko ito. e ang huling balita ko nasa cebu ng pangit na un e. kung babalik sya, saan at kanino sya babalik? dapat ba umuwi rin ako ng bicol para makita ko ang kanyang pagbabalik? kamag-anak ba sya ni panday? may asawa ba syang babalikan o nabuntis kaya? pero hindi, ayon rin sa aking bubwit, single pa ang mokong, pero ano ba talaga kuyaahh!!!! baka mamaya espiritu na lang ito na bumabalik sa akin, wag naman, mas gusto kong magmahal ng buhay kesa sa malamig na bangkay. wag na kayong maghula, randy lema ang pangalan nya at hindi nyo sya kilala. pangarap kong wag nyang mabasa ang blog na ito at di rin sana nya binasa ang corny kong love letter na pinabaon ko nung high skul graduation nila. teka, mahaba na ule, boring na. kaloka. pahula tayo!
Currently listening to: to mon, looking for the wordpress sa hosting pkg
Currently reading: other people's blog
Currently watching: mamaya na , final night ng PBB!!!
Currently feeling: blank
Posted by bluedtiny at 04:01 AM |
*****************
January 13th, 2008
ewan...ang sagot
ewan... sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon...di ko na alam ang gagawin. ewan... sa dami naman ng hindi nangyayari....di ko alam kung may dapat ba akong gawin. sa gulo ng buhay, na lalo pang pinagugulo ng malilikot na isip at natatarantang alaala, hindi ko na malaman kung may patutunguhan ang mga tanong na ewan lang ang sagot. at dahil hindi rin maasahan ang napipintong ideya na naglalaro sa aking utak, wala na talaga. super ewan na talaga ito. bakit ba imbes na eksaktong sagot, e ewan lang ang pwedeng sabihin? ang ewan ba ay katumbas na rin ng oo (ayon sa APO...hehe, may segway pa) o talagang sagot lang ito ng mga gustong makaligtas sa maaaring masamang mangyari? kung darating ang bukas ng walang araw, at sa gabi na walang bituin, masasabi mo pa rin bang nagdaan ang isang buong araw? ewan. paano kung may magsabing simula sa araw na ito, mangyayari ang lahat ng naisin mo? kayamanan, lupa, bahay, kotse, pati na rin pag-ibig at pamilya, kung ang kapalit naman ay walang hanggang pagluha, kakayanin mo ba? ewan, hindi ba? paano kung may nagsabi sayong maaari kang mahalin at magmahal, pero hindi kayo pwedeng magsama? ewan. ewan ang sagot kung hindi sigurado, at ewan din ang sagot kung umiiwas lang sa tanong. pero maari bang iwasan ang pangyayaring nangangailangan ng kasiguraduhan? ewan....
Currently listening to: janet..."let me ask you of your password security question..."
Currently reading: wala
Currently watching: i am legend, tapos na pala
Currently feeling: nothing
Posted by bluedtiny at 05:26 AM |
*****************
January 16th, 2008
if you can't beat them...beats me!
this blog is experimental. studies shows that w person can't think straight if he is hungry and/or sleepy. well, here am i writing this blog down at 2:30am. its my restday but i went out with my good ol' friends abd celebrated their birthdays. u know, they share the same birth monthy do we usually do and buffaloithis in-between their bdays. it started with coffee, maind course are pizza, carbonara and buffalo wings. we ended the day with the last full show and watched the heartbreak kid. i've enjoyed this than i am legend. the latter is soooo bitin, parang gusto ko pang manood uli ng sine right after the movie. watch it guys, it prtoves to show that guys will NEVER learn their lesson, and if they do, they ;earn it the hard way. so here am i, trying to prove otherwise, studies never say the truth. they are there to say that they are here... huh?
waht to write in the wee hours of the morning? i am having a sleepover and my friend's already snoring... still waiting for my pics to upload ...what to wtite...what to write? hmmm...haiss... no..i need to sleep na. we've got some serious shopping to do tomorrow. will hunt the busy stalls of divi to look for that perfect pair of skinny's. hehehe, feelingera. as if!!! pero bakit ba? tuklad ng blog, wala dapat pakialaman! ok, time to stop...its already 3:30. p.s. i am supposed to prove the study wrong. that i could still think staright even with lack of sleep. i have already proven myself wrong kase 1) wala na nga ako maisulat diba? 2) puro typo na po. yes hindi ko na sya kaya i-edit, pagod na talaga ako, at 3) naiinggit na ako sa tunog ng hilik... zzzzz....ngorkk!!!
Currently listening to: continous snoring
Currently reading: other people's blog
Currently watching: the heartbreak kid...tapos na nga pala...
Currently feeling: sleepy
Posted by bluedtiny at 07:20 PM |
*****************
January 26th, 2008
ano gawa mu?
hehehe, na-inspire na naman akong i-update ang blog ko. may bago na naman akong pagkakaabalahan during avail time. base sa malilikot na pag-iisip ng mga taong sosyal magsayang ng oras... ang blog. kaya, eto ang akin. ginawa ko 'to nung akala ko magiging masaya ang gabi para sa akin...mali pala. 1. unang araw ko ng gy before my 1-month stint. dry run ang itinawag ko sa araw na ito. 9pm-6am ang sked ko for this day at..so far so good. walang masyadong calls within 4 hours, in faaact, naka-12 pa lang ako. bagay na kapag na umaga ako, baka 20+ nako after 4 hrs. cool... eto na... pagpatak ng ala-una. ala-queue na. bwisit! kala ko magtutuloy na ang maliligayang oras ko, rumatsada na ang mga calls. well, sabi nga ng famous joke dito...call center po ito..at hindi avail center. paano kung avail center nga kaya ito, maiinis kaya ako kung mahaba ang avail time? madi-ding kaya kami kung masyading mahaba ang tawag? sarap siguro nun 'no, biruin mo, puro kwentuhan at tulog na lang ang gagawin. we will be gauge kung gano kahaba ang avail time, at loser ang may call. kung magka-gayon...hmmm....pwede umabsent! 2. thursday nga gabi ng ma-bore ako habang hinihintay ang pagkagat ng antok at tulog. so binuksan ang radyo at pinihit ang tala-pihitan (naks, talaga lang ha..). uy, napahinto ako sa magic, 3 lalakeng gunggong na umiinom sa oras ng trabaho! yahoo!!! isa na namang sana, sana pwede sa work. sabi at pramis nila, we will drink your problems away. itawag mo lang ang things that pissed you off this 2008, sus sobrang aga..23 days of january pa lang a. pero pinatulan din ng mga callers. ung isa nag-ipon ng pambili ng my chemromance na tiket, holdaper lang ang nakinabang...meron ding ikakasal na sa may pero nahuling may ibang ka hump-hump (hehehe, thanks to blue!). sus naman. basta, nakakatawa, hindi lang ako nakakatawa mag-kwento. tapos meron pa dun ganito ang banat...slick can you make me popular..hahaha!!! ginawa pang reality show ang sandaling yun.. kala ko o-oo ung dj, hehehe tatawag din sana ko. 3. ayun, habang nakikinig ako at tumatawang mag-isa, text naman si sup, naks naman...ang swet. ung pala sasabihin lang na ayusin ko ang qa ko. putsa naman, patulog nko binigyan pa ko ng problema. yakang-yaka yan, sabihin ko na lang sa qa ko, "qa, galingan mo naman ang pag-q-qa sa akin'...(sabay tingala...lord, sana po di ito mabasa ni qa....). sa mga masugid kong taga-subaybay..mga 2 lang sila...update lang po. hindi kami nakabili ng skinny's. ikaw ba naman ang matulog ng alas-4 ng madaling-araw, e di syempre, nag-la-lunch na ang mga taga-gobyerno, humihilik pa rin tumbong namin. natapos na nga daw nila ung buong trilogy ng LOTR, wa kiver....hindi pa masakit ang likod namin sa pagkakahiga. cool lang kayo, babangon din kami. ikaw na nagbabasa nito...hindi ka ba nakakahalata? lagi kong sinasabi sa tagboard na mag-comment kayo para hindi halatang ako lang at si tupe ang nagbabasa nitong blog ko. baka ipa-close ng pamunuan ng tabulas tong espasyo ko, masyadong mababa ang hits. baka makahalata rin silang sa ip ko galing ang mga hits..patay...kaya sige na. maawa ka na. suportahan mo naman ang ambisyon kong maging writer...ng mga conspiracy.... ...ito po ay frownies...at hindi smileys. tandaan lamang...
Currently listening to: LSS..to the left....to the left
Currently reading: kwentongbarbero.com...hehehe
Currently feeling: okay
Posted by bluedtiny at 09:48 PM |
*****************
January 31st, 2008
run down memory lane...
nasesenti ako ngayon. at kapag nasesenti ako, senti mood ako. teka, nasabi ko na nga pala un, sabi ko na syo e...senti ako. kagabi ko pa naaalala ang mga kyut moments (read: kapalpakan) namin nung mga bata pa kami..mga 5 years ago lang. tanda ko no'n, hindi kami magkasundo ng ate ko, kupal un e, e ang tingn nya sa akin kupal din. magnanakaw vs. magnanakaw. may anak na sya ngayon, at ako wala. sige, dahl mahilig ako sa ini-itemize ang entries, eto ang mga makukulet na nangyari sa akin kung bakit ako gento ngayon...bwisit! 1. popcorn on a maibox. pag nakatira kayo sa isang subdivision, most likely ung gate nyo e ung may letterbox na kasama ang grills. ganun ung sa amin. hindi pa uso ang pagba-ban ng watusi dahil hindi pa alam ng mga health officers (kuno!) ang hazard na maidudulot nito. un na nga, isang kiskis sa pader at ipasok sa loob ng mailbox, instant popcorn na! un nga lang, nung masunog ang loveletter ng pinsan ko na andun pa pala sa loob...tapos ang maliligayang araw namin. 2. theultimatetorturedevice. sa tabi ng mailbox ay may poste na pinagkakabitan ng doorbell. kaya lang nasira ito at tuluyan nang natanggal ang cover...uncovering the deathly wires. isang kupal kong pinsan (yes, pamilya kami ng mga kupal), nagmalaking kaya nyang hawakan ang loob nito sa loob ng 1 minute. at dahil dare un at gullible namin kami, sinabi nyang hahawakan nya un pero kelangan ng moral support. hahawak din kami sa kanya. maniwala marce, 10 kaming magkakalaro na pila-pila pang humawak sa kanya, at sa balikat ng mga kumapit. at alam mo na ang nangyari, sabay-sabay na nag-iyakan ang mga bata...tanga kasi. sa edad naming un, alam na namin kung paanong tatayo ang buhok mo nang walang ginagamit na gel. sa maniwala ka sa hindi, isang linggo namin ito ginawa. iba-ibang bata ang nsa unahan. para kaming rugby kids na na-adik sa sensasyong dulot ng kuryente. ngayon, ibang kuryente ang gusto namin...hehehe. 3. the copycat-copy act. cleaners kami no'n. may kasama akong anak ng registrar na lalake, jeric javier ang pangalan (wow, tanda ko pa pangalan ng mokong...). at dahil gwaping ayaw magbunot ng sahig, ni ayaw maghawak ng walis. at dahil naitaktak na nya ung chalkbox, e tapos na raw sya. ano sya? gwapo? (ay, oo nga pala, sinabi ko na nga pala na gwapo sya) hindi pwede sa akin un, what is he taking me for? granted? ! e di sampal ala-cherie gil ang natanggap nya. pero kinabukasan, hindi ako pumasok. natakot ako baka magsumbong e. hindi naman, pero hanggang ngayon, pinagsisisihan ko un. pero pag naaalala kong gwapo naman sya...ok lang. 4. buntis ang adviser ko nung grade 4. mrs elizabeth dayego (naks, ang galing ko a!) ang pangalan nya at inutusan nya akong i-distribute ung mga test papers namin (sori, hindi ko maalala kung pasado ako. basta ang alam ko malapit ako sa table nya kaya madali akong utusan..hehehe). un na nga, lakad ako sa unahan pero dahil ang susunod na may-ari ng papel ay nasa likod ng klase, biglang pihit ako na parang magpa-pivot sa basketball. e nasa likod pala ung buntis , ayun natamaan ko ung 8 months nyang tyan! naku, hindi ko talaga makakalimutan ung sinabi nya...and i quote.."pag nabingot ang anak ko, papaampon ko syo!" alam ko biro lang un at hindi nman siguro nabingot...kaya takot akong makilala ng bingot...baka sabihin nyang pinaampon sya akin ng nanay nya...nakuuu! 5. intramurals. agawang goma. tibo kasi ung pe teacher namin kaya imbes na regular intrams, mga palarong pinoy daw dapat. may balak atang maging sekretaryo (tandaan,,,tibo sya) ng dept of education, culture and sports. palarong pinoy daw...tumbang preso, agawang goma, open the basket, luksong tinik, oink-oink. puro katibuan. balik sa agawang-goma. na-dengue pa ata ung kaklase ko nung grade 5 kasi hindi ata nalinis ung goma..hahaha! so much for that. balik na lang kami sa open the basket..pota ang korni. gusto ko kasi ung mga tipong balyahan..maaga kasi akong na-expose sa wrestling kaya pagpasensyahan nyo na. 6. grade 6..girls scout camping. camping sa school grounds lang. at dahil excited akong maging platoon leader, gumawa kami ng stone-made camp stove. sosyal! unang task: mag-init ng isang litrong tubig. 20 mins na pero hindi pa kami nakakagawa ng baga. resulta: kulelat. ung iba kasing teams may dala palang camp stoves. daayaa! solusyon: pagdating ni mama kinabukasan, pinadala ko ung camp stove din namin. pambihira, kala ko wildlife ang dating... 6.1 sa gabi, kelangan may isang taong gising taga-bantay ng platoon flag kasi may mga kuma lei-ar na pagala-gala na walang ibang trabaho kundi manguha ng flag. part ng challenge un. pag nakuha nila ung flag, buong araw kinabukasan nyo sila papakainin..e mga limang majojobang commanders un, plus mga alalay na boy scouts. at nung turn ko na magbantay...well, nahulaan nyo na siguro. at dahil platoon leader ako, mas mabigat ang kaparusahan. 100 na latigo at multang P10,000. hehehe hindi naman, naging alila lang naman ako buong maghapon, at pagsapit ng gabi, required na pumasok sa loob ng skul building. kamusta naman un, e syempre nagsulputan ang mga katatakutang kwentong alang kwenta. pero dahil gullible nga ako, natakot na rin. sige na nga..akyat na. di ko alam kung imahinasyon ko lang un o ung matandang caretaker ng skul pero may nakita talaga ako. paksyet! dun lang ata ako nakapag-rosary sa loob ng 5mins lang! gago talaga...pagbaba ko, humahataw ng tawa ung mga commanders..syempre, bawal umiyak kaya palihim ko silang binigyan ng dirty finger. at dun ko lang din un unang natutunan... part one pa lang po ito.. gusto ko sanag lumihis sa mahahabang blogs pero nakakatuwa pala magkwento. atsaka parang diary ko na rin ito. paglipas ng panahon at kung mayaman na ko...babalik ako dito...at matatawa na naman sa nakaraang hindi na pwedeng balikan. haaay.....
Currently listening to: otto and jon, sabi nila nosebleed sa gy...snif..sniff
Currently reading: kwentongtanbay.com
Currently feeling: nostalgic
Posted by bluedtiny at 08:58 AM |
*****************
|
|
bluedtiny |
|
|
|