$130 million = P58.5 billion ! ! ! !
P58.5 billion = 9, 750 units of Gawad Kalinga houses, (ung parang United Colors of Benetton sa sobrang kulay ng mga bahay na tinatayo nila)
P58.5 billion = P29,250,000 isang taya sa lotto (ewan ko na lang kapag hindi ka pa manalo nyan!)
P58.5 billion = 26,835 2-bedroom condo units sa Avida towers or 24, 924 condo units sa Serendra Fort Boni
P58.5 billion = 4, 875,000 na balik sa Singapore for vacation for 3 days and 2 nights. 2,437,500 kung dalawa kayo.
P58.5 billion = P325000 bayad sa Burj Al hotel sa Dubai for 1-2 days stay sa executive suite. wow...sarap ng buhay GMA!
P58.5 billion = kung $1 billion ang budget sa railway system from Calamba to Legazpi City, pwede palang tayong magtayo ng 58 units ng railway system na ito, at may sukli pa tayo. pwede nang i-donate sa "Piso para sa Katarungan", o kya pang-lipo ko..hehehe
P58.5 billion = 5 na ulit pwedeng gawin ang pelikulang "The Bourne Ultimatum"...yehey! Matt Damon for President!
P58.5 billion = 2 million pesoseses ang fixed budget ng bawat senador kada buwan. ikaw naman ang mag-compute kung ilang senador ang lalaki ang tyan pag ganito kalaki ang budget ng gobyerno natin!
nakakalula ang figures na ito..karamihan sa atin, hindi na naiintindihan, pati na ako. pero para ipagtanggol ang karapatan natin, kelangan alamin ang mga bagay na pwedeng magsabing, teka..parang napaka-significant ng numbers na yan. hindi na yan tama! mag-rally na tayo! teka, kayo na lang pala, may pasok pa ako e.
haay. kung lahat ng pilipino e may ganyang halaga, hindi na natin kelangan si lozada. lahat tayo ay jedi masters na. hindi na mangangalakay ng basura ang pamilyang 'batchoy' lagi ang pagkain, hindi na rugby kundi opium na ang pwedeng tirahin ng mga adik, laging nasa las vegas para magsugal si erap (teka, dun nga pala sya talaga nagsusugal), mga kano na ang pupunta sa pilipinas para mag-DH, at magpapatayo na rin tayo ng snow center sa gitna ng makati para may sarili na rin tayong snow gaya ng sa dubai.
un nga lang, kelangan pa rin natin ang isang tulad ni jedi lozada...