Entries for April, 2008April 6th, 2008
soulja boys..tell'em
isang taon na rin akong nagko-commute to work. dati kasi sa previous kong work, i don't have to. tambay lang ako sa pick-up point at may sundo na, pagsakay sa bus, tulog agad. gigising lang kapag nasa place of work or sa bahay na. pwede nga akong pumasok ng walang dalang pera kasi kahit ung meals, may allowance kami.
at dahil ako ay isang risk-taker (read: tanga!), iniwan ko lahat yun. at eto ako ngaun, nakatingin sa di kalayuan..sa computer monitor lang. naisip ko lang, kasali na pala ako sa libu-libong masang pilipino na nagrereklamo sa pagtaas ng langis, pamasahe. rice hoarding, transport strike, rally sa edsa, rally sa mendiola (kunwari apektado ako lugar na un..). MAHIRAP. MASIKIP. MAUSOK. COMMUTE.
kung taga-alabang kang katulad ko, at sa makati pa ang trabaho mo, mas doble ang pasakit. wala kasi kaming ibang means of transpo kundi jeep at bus. di tulad ng pwedeng mag-mrt o lrt. kamtutinkopit, at least hindi ganun kasikip at walang 'tutukan'. hahaha.
at dahil nga isang taon na rin akong naghihirap, hindi pwedeng ako lang ang makakaranas nito. hayaan ninyong kahit man lang dito ay madamayan ninyo ako. wala lang kokontra.
kung malupit kang commuter na tulad ko, kabisado mo na ang mga sasakyan na pwede at di pwedeng sakyan ayon sa panlasa mo. narito ang ilan sa kanila...un lang naman e kung taga-alabang ka. kung taga-ibang lugar ka, bahala ka sa buhay mo, gumawa ka ng sariling mong blog!
Mga Bus na Maasahan:
1. ROVAL Transport / ADMIRAL Transport - magkapatid lang yan. kahit na 5 lang kayong pasahero at madaling-araw palang e tatakbo na yan. hold on to your dear life nga lang. dahil wala silang masyadong kita, lawanet lang ang flooring at makapal lang ng konti sa lata ng sardinas at bus body nito. tapos, kapag humarurot pa, baka matalsikan ka pa ng mga natitirang bubog ng salamin. yikes.
2. CHER Transport - panalo ito. maganda ang mga bus dahil mga bago pa, at hindi rin nagpipilit na mapuno ang sasakyan nila. mukha ka pang mabango pag baba mo ng bus nila. un nga lang, kapag alas-4 ng madaling-araw ang pasok mo, hindi kayo magkikita nito. madalang pa sa pananagalog ni kris aquino kung bumyahe sa early dawn ang mga bus na ito. tapos, lagi pang susana heights ang daan. haay. you can't have both of the best worlds at the same time.
3. King Sam Transport - eto hanep sa ganda. para kang nakasakay sa eroplano. 2-seater lang, pero maluwag pa rin. hindi kayo magkakapalit ng mukha ng katabi mo. kaya lang syempre, pag nakasakay ka dito, para ka na ring nanalo ng P235milyon sa lotto. un nga lang, baka magka-snow muna sa pilipinas bago mo mo makita sa kalsada. theory ko, isa lang talaga ang bus nila...p[o
Mga Bus na Pwede nang Kalimutan:
1. Everlasting - pangalan pa lang, alam mo nang everlasting kayong maghihintay sa alabang, at hindi aalis kung nakakahingi pa ang mga pasahero, torture chamber ata ang talagang serbisyo nila.
2. Original / CMS Transport - kung gusto ninyong makarating sa trabaho habang bata pa kayo, lumipat na kayo ng ibang bus. ang masakit pa dito, pangit din naman ang interiors nito, parang roval lang sa kalumaan.
Extra..the True Soulja Boys
hindi ko alam kung paano naging in demand ang trabahong barker. parang call center agents lang na naglipana. its aboomed industry, ika nga. (hehehe, boomed?!). heniwei, that's beside the point. the point is, nakakairita sila! pag dumating ung mga bus, mag-uunahan silang lumipit sa bus at magsisisigaw sila ng kung ano man ang destinasyon ng mismong bus. at wag ka, may mga sariling signboard pa ang iba jan. mauuna pa sila ayo, kaya la ka magawa kundi hintayin nilang makapwesto na sila sa tabi ng bus kung ayaw mong mahawakan ung pawisan nilang katawan. eto pa, kapag bumubwelo na ung bus na papaalis, kanya-kanyang hataw sa bus yan, na animo'y may sasakay..un pala hindi pa naibibigay ng kundoktor ung bayad. and for what? 5 piso? nakakaabala na nga sila sa mga nagmamadali, nakakadagdag pa sila sa noise pollution. lalo na kung taga-alabang ka, kilala mo siguro ung isang mama na ang boses ay parang palakang nilalagnat ng typhoid. bwisit talaga!
Posted by bluedtiny at 07:20 AM |
*****************
the irony
The heart is like a puzzle; someone’s supposed to mess it up first…
so someone else could fix it again. 
"if a bird fell in a love with a fish, who gets the wings, and who gets the fins? its an irony but that's how poetic love can be..."
Posted by bluedtiny at 08:50 PM |
*****************
April 9th, 2008
dalangin bago matulog...
haay..
napanaginipan na naman kita. nakakailan ka na sa akin? di naman ako dating ganito, mahiga lang ako sa kama, bukas na ang balik ng ulirat ko. pero nitong mga nakaraang mga araw, chumecherfer ka sa mga panaginip ko. di ko alam kung parusa mo ito sa akin or paalala. nakakatakot ka kaya.
matanong ko lang...tutal umeeksena ka rin lang naman, bakit ba? masyado na ba kitang nakalimutan? alam ko naman ang bday mo a, nakakalimutan nga lang kitang batiin. pero binati kita kinabukasan, pramis! baka nakalimutan lang ng courier mo. yun nga! baka nakalimutan nya lang, sa sobrang dami nyang delivery, nahuli ung sayo. pero i'm sure natanggap mo un kasi nakatanggap ako ng mahinang batok nung nakita ko "accidentally" ung picture mo sa wallet kong luma nung naghahanap ako ng 25cents, pandagdag sa pamasahe ko sa jeep. at gwapo ka pa rin.
o dahil ba hindi na naman ako nakapunta nung "fiesta" nyo? sus, alam mo na dapat un. kelan ba ako huling pumunta dun? di ko na nga matandaan. pero may naglilinis, sigurado ako. andun naman kapatid mo a, tsaka pumupunta naman pamilya nya..proxy na namn sila. wag ka na tampo, yaan mo, pag ako yumaman, ipagpapagawa kita ng mas malaki nang sa mayayaman, at araw-araw kang may bisita. ibulong mo lang sa akin ung winning number ng lotto. lols! echos!
wala na akong matandaang dahilan para sumagi ka sa panahong wala ako sa ulirat. gaya ng wala akong matandaang andito ka. siguro sila, oo. pero ako, hindi. juice ko, antagal na nun, tsaka la pa talaga ako kever nung panahong nawala ka. pero in fairview and in fairness, minsan iniisip ko na baka nagka-amnesia ka lang, at babalik ka rin bukas. kakatok sa pinto (dapat may dala kang krispy kreme ha!), magtatanong kung dito ba kami nakatira. syempre, hindi kita makikilala kita agad. pero mapapansin ko din ang nunal mo sa kaliwang sintindo, na parang si piolo pascual lang, at maalala din kita. yun na siguro ang pinamaligayang araw na pwedeng dumaan sa malungkot kong buhay. swear to the highest level!
pero grade 2 pa ako nang mabuo ang eksenang yan. may trabaho na ko ngayon...kahit sulat mula syo wala parin akong natatanggap.. nung grade3 naman ako, tinanong ko kung pwede ka bang hilingin kay santa claus. bwisit, mas totoo ka pa nag e kesa sa kanya. maaga kong natuklasan, dahil duon, na wala talagang santa claus. isa lang syang matabang mama na pinapaasa ang mga batang katulad ko. tumigil na rin akong maniwalang magbabago pa ang pasko para sa isang batang katulad ko.
e, ano ba ang point ko?!(hehe, tarayan ba ang sarili?). wala lang. marami lang akong gustong sabihin, ipakiusap at hilingin sayo. alam ko hindi ikaw si santa claus, pero close naman kayo ng Taong mas pa kay santa claus di ba? ilakad mo naman ang papel ko sa kanya...sige na. pramis, hindi na ako kukupit sa wallet ni mader. alam ko ikaw ang nagsabi nun sa kanya kasi ako agad ang tinanong nya, hindi pa nga nag-iinit ung 5 piso sa kamay ko nung grade1 pa lang ako, nakuha na nya ito ulit sa akin, at may kapalit pang palo sa pwit un. lufeet!
seriously, sana andito ka. pero ok lang na anjan ka. it's not ok, but it's ok. komplikado pero simple lang naman. langhiya, pati ako nalito.
isang hirit na lang. miss ko na kung paano mo ako kargahin at ihagis na parang bola. at sasaluhin bago tumama ang pwet ko sa sahig. masarap dati..pero malungkot na alaala ngayon.
sige..tulog na ule ako...jan ka lang ha?
Posted by bluedtiny at 07:59 AM |
*****************
April 13th, 2008
what would you do...?
nakakatawa talaga ang tao. napatunayan ko na naman ito kanina lang, habang bumabyahe sa kahabaan ng SSH (south luzon highway to you, you non-believers!). hahaha. lols pa!
hindi alam ng driver na magkakatrapik sa ilalaim ng flyover sa bicutan, pero dahil lax ang araw dahil linggo naman, hind muna kami umakyat agad sa skyway. at dahil mapagmahal ang destiny, mejo naabala kami dahil kasalukuyang ginagawa ang pinka-bagong ultra-mega skyway (halatang pauso ko lang ung pangalan). eniwei, un na nga. na-trafik kame. isang isang grupo pala ng mga strangers, kapag naipit sa iisang sitwasyon, iba-iba ang reaksyon (hindi ko po sinadyang i-ryhme, pero ang galing ko no?). at eto ang ilan sa kanila:
mama 1 (sa konduktor): 'dre, bakit di nyo pa kasi pinasok sa skyway?
konduktor : e di naman alam na may trafik e
mama 1: e di i-pasok nyo na. (mejo, naalimpungatan na ako...tulog ang beauty ko nito e)
konduktor: e di bayaran nyo ung toll gate, 204 un, mag-ambagan kayo kung gusto nyo? (teka, 204 lang ang toll gate?!)
hindi sumagot si mama 1, haha, antapang pero wala naman palang pera!!! nang may biglang parang anghel na nagsalita.
lola (walang ng 1 kasi nag-iisang lola naman sya sa bus e): sige ako na ang magbabayad.
ung konduktor naman ang hindi nakapagsalita, isa pang matapang, pero hind naman pa kayang gawin ung dare nya.
nung mga 3mins nang walang umiimik....nakita ko si lolang dumukot sa wallet at naglabas ng P200. galing pa ata sa veterans allowance nya 'to.
mama 2 (katabi ko): dre', babayaran na ni manag ung toll o, skyway mo na. (kapal din e 'no?)
konduktor: e lagpas na tayo e, kung kanina sana, nakaakyat pa tayo. (hanep sa segue...at wala na namang umimik).
akala mo naman isang oras ang delay, wala pa naman atang 6mins un. humarang lang ung truck ng buhangin dahil kelangan nyan bumalik sa pinanggalingan nya, at nung nakaalis na sya...tuluy-tuloy na. un lang. hahaha! ang tulog ko lang ang naabala! hmpft!
eniwei, lang kwenta pero kung iisipin mo, a ewan. di ko mahuli ang point. kayo na lang kaya ang magsabi kung ano ang pinupunto ko dito?
eniwei...ulit. natandaan ko tuloy ung classic novel ni william golding na the lord of the flies. ang tao ay tao. un lang!
Posted by bluedtiny at 05:15 AM |
*****************
April 20th, 2008
mefenamic acid
i have always counted on mefenamic acid to cure my pain.
toothache - mefenamic acid
headache - mefenamic acid
sakit ng katawan due to hang-over - mefenamic acid + ibuprofen
may masakit sa akin ngayon...at di ko alam kung kaya ito ng mefenamic acid....
"it's like ordering a hamburger and end up getting only the bun.." Simon Cowell
Posted by bluedtiny at 10:09 PM |
*****************
April 21st, 2008
sampung kilo
how was your restday?
mine's not like any other. believe me.
believe me when i say that i haven't done anything like that, kahit pa sa bahay namin sa bicol. e ano ba ang ginawa ko? wala lang, nagluto lang naman ako ng 10 kilong spaghetti.
ano daw?!
tama, 10 kilong spaghetti.
ingredients:
10 kilong pasta, cooked as per package instructions
16 large pouches of spaghetti sauce, hatiin sa filipino at sweet style sauce, in short matamis sya
7 kilos of ground pork
5 kilos hotdog, sliced diagonally
garlic/onion (buti na lang at hiwa na!)
isang malaking bloke ng cheese
needless to say, kinarir ko ang pagluto nito. mula sa pag-grate ng cheese (na-enjoy ko pa sya nung una), hanggang sa pag-gayat ng hotdog at hanggang sa pinaka-dulo ng pagpapakulo. niluto ko sya in 3 batches.
resulta: puting shirt na naging pula (di ko pa alam kung kakayanin ng zonrox ito!)
kamusta naman ang lasa? ewan ko, masyado na akong pagod para tanungin kung masarap ba sya o lasang goma. ni hindi ko nga natikman ung final fantasy nun e.
e bakit kanyo 10 kilo? birthday-party-slash-feeding-program.
100 expected guests....plus 100 unexpected guests. saan ka pa?
never in a million years kong gagawin ito. i was tricked into doing this, sabi nung nanay hati kaming magluluto. at sa hindi malamang kadahilanan, i ended up cooking it all by myself. phew!
sobra.
Posted by bluedtiny at 01:28 AM |
*****************
April 26th, 2008
please pardon my engrish...
isa sa mga bumabagabag sa isip ko ngayon ay kung papaanong pinagplanuhan ng ating mga Chinese brothers ang world domination eh, kahit isang sem sa college or isang oras kada araw sa high school eh hindi man sila nag-aral ng english. not convinced? bahala ka, ituloy mo lang ang pagbili ng mga produktong mula sa tsina at basahin ang packaging. kung hindi sasakit ang ulo mo ay kakailangan mo ng good morning towel sa kakapahid ng dugo mula sa ilong mo. not convinced pa rin?look at my samples below..
"the day grew lihgt, then dark again in all its hours. what happened?"
aba malay ko, ang gulo ng tanong tapos maghahanap ng matinong sagot?!
" God expects answers for flowers he sends us, not for the snu and the earth".
isa pa ito na galing sa thermos namin. wala na nga ngang sense ung tanong, hindi ko pa ako makapag-decide kung SNOW or SUN yung tinutukoy nya...tsk,tsk!
anlabo nito. kala ko nung una eh pamatay lamok at ipis, pampaganda lang ung drawing na bulaklak. namputsa, pag ini-spray mo na e ambango. air freshener pala! pakisagot lang po kung bakit kelangan die zhuang ang pangalan nito!!!!!!!
eto wala talaga akong clue. kelangan ko talagang basahin kung para saan ito. ayun. tooth cleener and whitener. at talagang inihiwalay ung E sa white, ano yun, kulang sa space?! at bakit EMEN or MEN ang ngipin sa instik?! siguro pinag-iisipan pa nila kung isusulat ang ENAMEL. yees, antaray! ENAMEL!
so, what's my point? wala naman talaga. wala lang akong mai-post dito a blog ko .
Posted by bluedtiny at 03:07 AM |
*****************
April 27th, 2008
T.M.T.H
i love going to church at greenbelt, especially during the 3pm and/or 4:30pm mass. kasi ung officiating priest nun ang pinakamagaling na paring nakasalamuha ko. i only know him by the name of Rev. Fr. James, he's a foreigner, and balita ko, he's also a war veteran, kung saan man yun, di ko na alam.
everytime he says his piece during sermon, i feel it's holy week every week. moving, touching and heart-felt. always bring a tear or two on my face, syempre pa-simple lang. tapos samahan pa ng choir songs na sapul to the bones. i especially love, "Diyos ay Pag-ibig" and ewan ko na ung title. basta.
pero lahat pala ay may hangganan. kala ko puro iyakan lang lagi. hindi naman pala.
yesterday, they have invited some nuns from the Augustinian cherfer, inviting all religious (ehem!) young women to join their congregation. their office is located in San Juan. and so after the nun's speech, fr. james stood up and also gave his piece about it. then he said, "just do not go to san juan on july 24.'
bakit kanyo?
"basa gyud.."
hahaha.lols pa!
sabi ko na nga ba e, bisaya si father. albino lang!
too much to handle!
Posted by bluedtiny at 08:58 PM |
*****************
|
|
bluedtiny |
|
|
|