soulja boys..tell'em
isang taon na rin akong nagko-commute to work. dati kasi sa previous kong work, i don't have to. tambay lang ako sa pick-up point at may sundo na, pagsakay sa bus, tulog agad. gigising lang kapag nasa place of work or sa bahay na. pwede nga akong pumasok ng walang dalang pera kasi kahit ung meals, may allowance kami.
at dahil ako ay isang risk-taker (read: tanga!), iniwan ko lahat yun. at eto ako ngaun, nakatingin sa di kalayuan..sa computer monitor lang. naisip ko lang, kasali na pala ako sa libu-libong masang pilipino na nagrereklamo sa pagtaas ng langis, pamasahe. rice hoarding, transport strike, rally sa edsa, rally sa mendiola (kunwari apektado ako lugar na un..). MAHIRAP. MASIKIP. MAUSOK. COMMUTE.
kung taga-alabang kang katulad ko, at sa makati pa ang trabaho mo, mas doble ang pasakit. wala kasi kaming ibang means of transpo kundi jeep at bus. di tulad ng pwedeng mag-mrt o lrt. kamtutinkopit, at least hindi ganun kasikip at walang 'tutukan'. hahaha.
at dahil nga isang taon na rin akong naghihirap, hindi pwedeng ako lang ang makakaranas nito. hayaan ninyong kahit man lang dito ay madamayan ninyo ako. wala lang kokontra.
kung malupit kang commuter na tulad ko, kabisado mo na ang mga sasakyan na pwede at di pwedeng sakyan ayon sa panlasa mo. narito ang ilan sa kanila...un lang naman e kung taga-alabang ka. kung taga-ibang lugar ka, bahala ka sa buhay mo, gumawa ka ng sariling mong blog!
Mga Bus na Maasahan:
1. ROVAL Transport / ADMIRAL Transport - magkapatid lang yan. kahit na 5 lang kayong pasahero at madaling-araw palang e tatakbo na yan. hold on to your dear life nga lang. dahil wala silang masyadong kita, lawanet lang ang flooring at makapal lang ng konti sa lata ng sardinas at bus body nito. tapos, kapag humarurot pa, baka matalsikan ka pa ng mga natitirang bubog ng salamin. yikes.
2. CHER Transport - panalo ito. maganda ang mga bus dahil mga bago pa, at hindi rin nagpipilit na mapuno ang sasakyan nila. mukha ka pang mabango pag baba mo ng bus nila. un nga lang, kapag alas-4 ng madaling-araw ang pasok mo, hindi kayo magkikita nito. madalang pa sa pananagalog ni kris aquino kung bumyahe sa early dawn ang mga bus na ito. tapos, lagi pang susana heights ang daan. haay. you can't have both of the best worlds at the same time.
3. King Sam Transport - eto hanep sa ganda. para kang nakasakay sa eroplano. 2-seater lang, pero maluwag pa rin. hindi kayo magkakapalit ng mukha ng katabi mo. kaya lang syempre, pag nakasakay ka dito, para ka na ring nanalo ng P235milyon sa lotto. un nga lang, baka magka-snow muna sa pilipinas bago mo mo makita sa kalsada. theory ko, isa lang talaga ang bus nila...p[o
Mga Bus na Pwede nang Kalimutan:
1. Everlasting - pangalan pa lang, alam mo nang everlasting kayong maghihintay sa alabang, at hindi aalis kung nakakahingi pa ang mga pasahero, torture chamber ata ang talagang serbisyo nila.
2. Original / CMS Transport - kung gusto ninyong makarating sa trabaho habang bata pa kayo, lumipat na kayo ng ibang bus. ang masakit pa dito, pangit din naman ang interiors nito, parang roval lang sa kalumaan.
Extra..the True Soulja Boys
hindi ko alam kung paano naging in demand ang trabahong barker. parang call center agents lang na naglipana. its aboomed industry, ika nga. (hehehe, boomed?!). heniwei, that's beside the point. the point is, nakakairita sila! pag dumating ung mga bus, mag-uunahan silang lumipit sa bus at magsisisigaw sila ng kung ano man ang destinasyon ng mismong bus. at wag ka, may mga sariling signboard pa ang iba jan. mauuna pa sila ayo, kaya la ka magawa kundi hintayin nilang makapwesto na sila sa tabi ng bus kung ayaw mong mahawakan ung pawisan nilang katawan. eto pa, kapag bumubwelo na ung bus na papaalis, kanya-kanyang hataw sa bus yan, na animo'y may sasakay..un pala hindi pa naibibigay ng kundoktor ung bayad. and for what? 5 piso? nakakaabala na nga sila sa mga nagmamadali, nakakadagdag pa sila sa noise pollution. lalo na kung taga-alabang ka, kilala mo siguro ung isang mama na ang boses ay parang palakang nilalagnat ng typhoid. bwisit talaga!
Posted by bluedtiny at 07:20 AM | 8 yehey, may nag-c
*****************

Gab (guest)

jeck (guest)

bluedtiny

meowisha061278

qtanne

ayos! kabisado tlga ung mga pangalan ng bus ha! ayos!
warleigh
bototino (guest)

i couldnt xpress anything on this,hehehe,
just a big smile.
i cnt help but smile. bwahahaha
pathetic kau,
hahahah,xoxoxoxoxo
blue001
