to let go without realizing it
sorry, pero hindi ko gustong iwan ka sa ere. sorry, hindi ko gustong umalis at tumalikod ng hindi man lang kumakaway. hindi ko alam kung bakit pero parang ako ang masasaktan kapag ikaw ang naiwan. hindi ko gustong maging bastos, pero kung yan lang ang paraan para isalba ko ang natitirang saya na naiiwan sa puso ko, sige bastos na ako.
hindi ko ugali ang magpaliwanag, pero nung umalis ako, hindi ko maiwasan ang malungkot. gusto kong sabihin na andito lang ako, kahit nasa malayo na...isang tawag lang ako kahit hindi mo na alam ang schedule ko...at kung mabubulunan man ako, masaya akong lalagok ng isang basong tubig dahil iisipin kong naisip mo rin ako.
pero sorry talaga.
hindi ko alam kung ano ang naidulot ng pag-alis ko sayo. kung masaya ka, malungkot man para sa akin, masaya na rin ako. at least hindi mo mararamdaman ang pinagdadaanan ko ngayon. ang hirap ng walang makausap, ang hirap ng walang makainuman at hirap ng hindi mo alam kung sino ang makakatabi mo sa araw na ito. ikaw kaya, problema mo pa ba ang mga ito?
sorry talaga.
hindi ko masasabing babawi ako. pero mataas ang noo kong sasabihin na tutupad ako sa mga pangako ko. ang sinabi ko noon, kahit binawi ko sya ngayon, pipilitin kong hindi maging drawing ang lahat.
sorry, at salamat.
tigilan na ang drama at umpisahan na ang saya!
Posted by bluedtiny at 05:13 AM | 7 yehey, may nag-c
*****************

bluedtiny

(guest)
-j_j
(guest)
-j_j
qtanne

o nga, c warley ba ito? ^_^ V peace!
blue001

liang

subjunctive