pano na ako pag ginawang EO ang pagbawal sa pork?!
hindi ko alam kung sinasadya nung commercial ang patamaan ako pero sapul to the bones talaga. nakakahiya man sabihin pero sa bata kong ito (ahem!), ulyanin na ako. aaminin ko, meat lover ako, hindi naman sa hindi ako mahilig sa gulay, pero gusto ko may meat pa din pag kumakain ng gulay. its like peanut butter on my bread and cheese on my spaghetti (teka, parang nabasa ko na 'to sa text). pero un na nga, sobra akong makakalimutin.
1. nakalimutan kong i-text si jasper nung bday nya. pi naulit-ulit ko na sa isip ko bago ako matulog nung aug 3 na dapat mag-text ako, hindi ko pa rin nagawa. kaya dito na lang ako babawi, happy bday, jas! yaan...sikat ka na rin.
2. nakalimutan ko ring batiin si dana, na kahit nung isang linggo ko pa nalaman at sinabi ko kay jasper (na syang nagbalita sa akin tungkol sa mabuting balita, hehehe) na babatiin ko sya, ayun. dito na lang din ako babati. congrats, dana! pto ko ha...hehehe
3. at bago ko pa makalimutan, happy bday na rin kay anne. pero sa totoo lang, nakalimutan ko kung sa aug8 or aug9 ang bday nya (titingnan ko na lang sa friendster mamaya). pero bago pa man din dumating ang araw na un, babatiin na kita. mahirap na, baka ikaw naman ang makalimot sa pangako mong libre para sa akin. happy bday, anne, don't forget!
4. nakalimutan ko ding batiin ng congratulations ang mga ka-batch kong naiangat ang mga sarili sa kumukulong apoy (naks!). mga hosting peeps...tin on queue! kelan ba kayo magpaparamdam sa akin? isang tawid lang ako oy, ang hirap makipag-aapointment sa inyo. tapos sasabihin nyo ako ang hindi nagpaparamdam. may blog po ako, hello??? bisitahin nyo minsan and leave a message. madali akong kausap, pero wag kapag lasing.
ayan, medyo nakabawi na sa mga utang. minsan iniisip kong bitiwan na itong blog kasi nakakalimutan kong mag-update. pero kapag sumasagi kayo sa isip ko, sinasabi kong huwag. mahirap pero masaya. malungkot pero nakakatuwa. ito lang ang munti kong kontribusyon sa worldwideweb kahit pa sabihing magsisikip na ang mundong ito by 2010. kaya bumisita na kayo dito (baka kasi mapansin ng admin nito na inaamag na ung space ko bigla nalang i-delete. gaya ng pagde-delete ng email ko kay julius isidro...huhuhu).
hindi po ako ang nakalimot.
Posted by bluedtiny at 11:01 AM | 4 yehey, may nag-c
*****************
