Jaime Rivera - Pangarap ka na lang ba - Jamie Rivera Tin Comin'! ~ bluedtiny

Entries for December, 2008

December 7th, 2008

ang disyembre ko ay hindi na malungkot...

iba pala talaga ang ma-inlove.  lalo kapag love at first sight.  nung una, hindi ako naniniwala sa ka-churvahan na yan, pero ngayon, isa na ako sa mga magpapatotoo ng ka-churvahan na yan.  simula nung ako ay mapadaan sa isang tindahan sa MOA, nung doo'y una kitang nakita.  wala na,  nahumaling na agad ang pihikan kong puso.  ang sabi ko sa sarili'y hindi lalagpas ang taong ito na hindi kita makikilala at mapapasaakin.

at nagkatotoo nga.

ngaun ako'y isa nang alipin ng iyong kakisigan.  ano pa ba ang mahihiling ko sa iyo?  matipuno ang pangangatawan, makinis ang balat, at syempre ang taglay mong angking kakayahan. 

kaya marapat na tayo'y magpasalamat sa isang taong naging daan ng ating patatagpo, ang aking bestest best friend na si mitzi.  mitzi, how can i repay you back?  monthly nga ba?

ano pang hinintay, kaliskisan nyo na!

ang gwapo di ba?

un nga lang, wala akong sariling internet connection.  kaya wak kayo maingay ha, sa kapitbahay ko ata itong smartbro na nasasagap ko. ahihihi!wink_smile.gif

 

Posted by bluedtiny at 10:36 AM | 1 yehey, may nag-c

*****************


bluedtiny
your name:

url:

your message:

bluedtiny.tabulas.com| Layout by: hatred013

 

music