fly on the wall
pasok 2009.
habang pinag-aaralan ko kung paano gumamit ng bittorrent para mapabilis ang pag-download ng files (read
nline legal piracy), hindi ko maiwasang tumigil at mapaisip na 2009 na pala. it has been a whirlwind year, with bits and pieces of both good and bad. may mga bagay at desisyong nagawa, napabuti man o hindi ang buhay, nakapag-bigay man ng tuwa o inis sa kapwa, napalapit man sa mga bago at lumang kaibigan, isa pa ring makabuluhan ang 2008 para sa akin. hindi man kayo sanay sa akin na mag-drama, wala kayong pakielam. blog ko ito, gawa kaya kayo ng inyo?? joke lang. minsan kailangan mag-isip din naman ng malalim para hindi lang maging dekorasyon ang ulo sa ibabaw ng leeg. happy new year po.
at dahil nga nagninilaynilay na rin ako, marami akong dapat ipagpasalamat. pero meron din namang mga nagawang pagkakamali. dahil sa buhay, kailangang ipaglabang mabuhay ng ayon sa nararapat. wala mang award na matatanggap kung itatawid mo si lola sa kanto na maraming bitbit na bayong ng saging o ang huminto at ipatong ang kanang kamay sa kaliwang diddib kung marinig ang flag retreat kahit na hinahabol ka ng limang doberman at isang chihuahua. ang buhay mo ay hindi nakasalalay sa kung ano man ang sasabihin ng taong makakakita sayo at sa kung ano ang ginagawa mo. sabi nga, God knows hudas not pay. whatever.
sa paglipas ng 2008, isang tanong lang ang naitanong ko sa sarili ko. have i been good to the people around me that i had deserved to live yet another year? naks, english. na-nosebleed man, ibabalik ko ang ang tanong sa yo kaibigan...
have you been nicer or naughtier last year?
Posted by bluedtiny at 08:26 AM | 2 yehey, may nag-c
*****************

