our dreams...will never die!!!

restaurant city. ang bagong dahilan kung bakit di ako makatulog at lagi akong puyat. ito rin ang dahilan kung bakit laging nauubos ang load ng visibility ko. marami na akong natanggap na invites sa ibang appplication ng facebook, gaya ng mafia wars, vampire wars at kung anu-ano pang wars na sa tingin ko naman e hindi bagay sa katauhan ko. i'm all pink and fluffy, tapos ung mga war apps na yan e ang didilim, hindi keri.
di ko rin alam kung paano ako na-hook dito. siguro dahil mataba ako, at laging may dahilan para maghanap ng makakain. atsaka, pangarap ko ring maging chef. at lahat ng chef, pangarap ding magka-resto.
buti na lang anjan ang facebook para pagbigyan ang frustrations natin. at ipamukha na hanggang internet na lang ang mga pangarap. leche.
anyway..highway.
after 4 days of playing, level 6 na ang lola nyo.
o di ba naman, bustling with activities. ung ibang tables and chairs jan, hingi ko lang. hihihi, kelangan talaga madami ka friends para umunlad, tulad din sa tunay na buhay, naks.
kaya mga friends, join na rin kayo.
Posted by bluedtiny at 12:11 AM | uuy, comment ka
*****************

