Jaime Rivera - Pangarap ka na lang ba - Jamie Rivera Tin Comin'! ~ bluedtiny

June 8th, 2009

sabi nga ni jamie rivera

  maulan na naman.

 

at kapag ganitong maulan, hindi ka makaaalis ng bahay, hindi makagala, hindi makapagpa-pedicure.  sa mga ganitong panahon ka makakapag-isip ng malalim, kung gano kalalim, depende na un sa kayang iarok ng utak, at ng puso mo.  at ako?ok lang ako, siguro.

ilang beses na ba tayong muntik nang magkabukuhan? ilang beses na ba tayong nalalagay sa alanganin, ung panahong gusto na nating sabihin ang totoo nating nararamdaman, pero sa hindi malamang dahilan, hindi un natutuloy.  ang hirap kayang pigilin ang nararamdaman, lalo na kung anjan ka lang sa malapit.  sabi nga ni ofcmate, ang lapit-lapit mo pero parang ang layu-layo mo din.

ilang beses na rin ba taying nagtetext ng mga kung anu-ano.  minsan hindi ko mapigilang lagyan ng malisya ung kahit mga forwarded texts mo lang.  assuming, oo. pero ano ang magagawa ko? wag mo na nga akong itetext ng mga tulad nito:

"ang lovelife, parang sports yan.  kaya mo bang maipanalo ang laro kung reserba ka lang?" cry_smile.gif

hindi madali para sa akin.  hindi kailanman.

at nung sinabi mong aalis ka ng september? parang naranasan kong makatapak ng milyung-milyong bubog, sa puso nga lang ang tama.  ang sakit, ang sakit-sakit.  alam mo ba kung paano ang masaktan?  malamang hindi.  kasi kaya mo e.

kaya mo akong iwanan.

kaya mo akong isantabi.

kaya mo akong balewalain.

pero ako, hindi yata.

kasi nga, reserba nga lang ako

 

***jamie rivera song: pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa..

Posted by bluedtiny at 05:37 PM | uuy, comment ka

*****************

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:




bluedtiny
your name:

url:

your message:

bluedtiny.tabulas.com| Layout by: hatred013

 

music