Jaime Rivera - Pangarap ka na lang ba - Jamie Rivera Tin Comin'! ~ bluedtiny

May 2nd, 2009

eavesdroppin' on someone else's sh*t

bago pumasok sa opis, habit ko na ang mag-yosi muna para magpahangin.  uupo sa mga mga benches (kung may available pa), smoke tapos titingin sa kawalan habang mag-iisip ng wala.  isang araw, nabulabog ang gawaing-wala ko nang minsang may narinig akong usapang ganito, more or less:

lalake (obviously, patukoy sa 2 babaeng katabi ng bench ko): oist, anjan pala kayo.  bakit ang seryoso nyo naman?

babae1 (sabay turo kay babae2):  pinag-uusapan namin ang kalungkutan neto...

lalake (ulit): bakit ka naman malungkot?  gusto mo bang lumigaya? 

at bigla na silang nagtawanan.

kung kilala mo ako, malamang alam mong medyo napatawa din ako.  at kung kilala kita, malamang alam ko na alam mo kung bakit.

at kung BFF kita, malamang alam mong gusto kong sumingit sa usapan para sabihin na

ako: ako kuya, gusto kong ring lumigaya...wink_smile.gif

hahahaaaaayzzzz...

Posted by bluedtiny at 06:39 PM | uuy, comment ka

*****************

April 3rd, 2009

nung birthday ko...

dahil naglabas na ako ng press release na uuwi ako ng province before ako mg-birthday, ilan sa mga malalapit na kaibigan ang mga nagpadala na ng mensahe at pagbati (sana man lang sinamahan ng cash or in kind confused_smile.gif) sa pamamagitan ng SMS.  medyo i month delayed na ung pasasalamat ko, pero if you know me, i'm sure you will all understand.  tamad ako at lagi kong nakakalimutan ang password ko dito kaya, sorry na ha?eniwei...bilang pa-thank you ko sa inyo, gagawin ko kayong sikat.  ilabas na ang alak! woohoo!beer_yum.gifbeer_yum.gifmartini_shaken.gifmartini_shaken.gif

~ irien ~  happy birthday! regular_smile.gif

~ aj san pedro ~ Hapi bday

~ abby ~ hafi bersde! Lola!  hay naku, gurang na ang lola!  (para namang may sanggol na lola!)

~ joydee ~ Hapi bday! Wala bang beckys jan? (wala po, sa vito cruz meron)

~ aika ~ Happy birthday.  regular_smile.gif (period.)

~ mama ~ Hapi b'day, hmmm tsup!  (mga mader talaga! walang cash?)

~ mitzi ~ beauty of a lady is not in the face, not in the body shape.  but God  gave her a heart of gold to touch          other LIVES.  God bless you, Lady of real beauty!  Hapi bday!mwuah!

~ mami cris ~ i wish you today, a day of special graces...a day of extra ordinary things 2 smile about...and a day of much HAPPINESS and LOVE in your heart.  HAPPY BIRTHDAY!!!  (needless to say, nag-queueing nuong araw na iyun...ampft!cry_smile.gif

~ elaine gaspar ~ wishing you always the beautiful gifts of life.  May the Lord shine His lights you and fill the world with Hope, Peace and Love..Happy Birthday to you..!

~ ariel estrellado ~ Hapi birthday! aplayan pa ba dyan sa inyo?  (aus at isinama pa talaga sa iisang text message ang pansariling pakay..haayz.  at nag-rhyme pa un ha wink_smile.gif

~ kuya jakk ~ happy birthday

~ viki ~ Hapi bday tin!

at eto..hindi naman masyadong late ang text..date 31 March

~ jasper ~ Hapi bday!

labis ko po kayong pinsasalamatan sa lahat ng pagbati, pagmamahal at suportang ibinibigay nyo po sa akin.  kahit wala naman talag.  eniwei, nag- pot luck kami sa work at sobrang bondat pagkatapos

bilang ganti sa inyo, itetext ko din kayo sa birthday nyo, paalala nyo lang kung kelan...ahihihi!embaressed_smile.gif

Posted by bluedtiny at 05:57 PM | 3 yehey, may nag-c

*****************

January 30th, 2009

need i say more..?

                                                      

 

                                                       

 

pasintabi na lang po sa mga kumakain!

whatchutalkingabout_smile.gif

 

Posted by bluedtiny at 06:10 PM | 2 yehey, may nag-c

*****************

« | »

bluedtiny
your name:

url:

your message:

bluedtiny.tabulas.com| Layout by: hatred013

 

music